Pitumpot limang LGU mula sa ARMM ang binigyang pagkilala ng DILG para sa taong 2018 bilang achiever ng Seal of Good Financial Housekeping.
Sinasabing pumasa ang mga ito sa naging proseso at standards ng COA o Commission on Audit o ang tamang pagamit ng pera sa kani kanilang mga LGU.
Kinabibilngan ito ng mga bayan ng Ampatuan, Buldon,Buluan , Datu Paglas, Datu Odin Sinsuat, Shariff Aguak, Matanog, Pagalungan , Parang, Sultan Kudarat, Kabuntalan, Upi, South Upi, Barira, GSKP, Mamasapano, Talitay, Datu Montawal, Paglat, Sultan Mastura, Guindulungan, Datu Saudi, Datu Unsay , Datu Abdullah Sangki, Rajah Buayan,Pandag at Northern Kabuntalan na pawang nagmumula sa lalawigan ng Maguindanao.
Habang awardee din ang mga bayan mula sa iba pang mga lalawigan ng ARMM.
Kaugnay nito lubos ang pagpapasalamat naman ni DILG ARMM Secretary Atty. Kirby Abdullah sa naging inisyatiba ng mga nabanggit na LGUs patunay lamang na nakiisa ang mga ito sa Repormang isinulong ni ARMM Governor Mujiv Hataman .
75 LGU sa ARMM Achiever ng Seal of Good Financial Housekeeping
Facebook Comments