750 na barangay health workers at health personnel, ipinakalat sa San Jose Del Monte, Bulacan kasunod ng pagpositibo ng isang residente as COVID-19

Pinakilos ng pamahalaan lokal ng San Jose Del Monte, Bulacan ang nasa 750 na barangay health workers at health personnel upang totaling hindi kakalat ang COVID-19.

Kasunod ito ng pagpositibo sa COVID-19 ng isa nilang kababayan na patient number 21 batay sa record ng Department of Health o DOH.

Ayon kay Mayor Arthur Robes, bumuo na sila ng task force ang Local Government Unit (LGU) para magplano ng preventive measures sa banta ng COVID-19.


Ipinakalat na ang 650 na Barangay health workers at 130 na city health personnel para paigtingin ang awareness ampaign para sa paglilinis at disinfection.

Nag-realign na rin ng pondo ang Sangguniang Panglungsod mula sa calamity fund upang magamit sa pagbili ng mga protective equipment.

Facebook Comments