78 barangay sa Davao Region, drug free- PDEA

Davao, Philippines – Umabot na 78 barangay sa Davao Region ang idineklarang drug free ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Davao Region.

Ayon kay PDEA Davao Region Spokesperson Nephi Noli Dimaandal, hindi basta-basta ang pagdeklara sa isang barangay na illegal drugs free dahil base sa dangerous drugs board regulation no. 3, section 8, kailangang walang suplay ng iligal na droga, walang illegal drugs activity, walang warehouse ng iligal na droga, walang marijuana cultivation site, walang drug den, walang drug pusher at protector ang isang barangay para makapasa sa parameters ng PDEA.

Sa 78 barangay sa Davao Region na drug free, 26 ay mula sa Davao del Norte, parehong 17 sa Davao del Sur at Compostela Valley Province, 16 sa Davao Occidental, at dalawa sa Davao Oriental.


Sinabi ni Dimaandal na malaki ang naitulong ng Sangguniang Kabataan (SK) para mapanatiling drug free ang mga nasabing barangay, pati na rin ang pagkakaroon ng voluntary at compulsory drug treatment at rehabilitation.

Dagdag nito, mas pinaigting din ng PDEA Davao at Police Regional Office XI ang illegal drugs awareness campaign sa rehiyon.

Facebook Comments