ALAMINOS CITY, PANGASINAN – Matagumpay na ipinamahagi ng Sangguniang Kabataan Federation ng Alaminos City ang nasa 78 computer sets para sa mga mag-aaral ng lungsod.
Ang nasabing pamimigay ay may layuning upang matulungan ang mga magulang at mga kabataan ng lungsod sa bagong patakaran sa pag-aaral ng mga ito, new normal way of learning o yung tinatawag na blended learning, ito ay dahil sa paglaganap ng sakit na COVID-19.
Pinangunahan ang proyekto ng mga miyembro ng SK Federation ng lungsod kung saan dalawang piraso kada barangay ang nakalaan sa 39 na barangay sa lungsod.
Dahil sa proyektong ito, mababawasan na ang pag-alala ng mga kabataan at upang hindi gumastos ng napakalaking halaga para sa kanilang mga project sa paaralan.
Facebook Comments