78% ng mga COVID-19 cases sa Ilocos Region mula Enero hanggang Abril ay hindi bakunado, ayon sa Department of Health-Center for Health Development 1.
Sa datos ng DOH- CHD1, 202 na kaso ang naitala sa apat na buwan at 158 ang hindi pa nabigyan ng COVID-19 Vaccine.
Muling nanawagan ang ahensya na magpabakuna upang maiwasan ang nakakahawang sakit matapos maitala ang karagdagang 67 nasawi nakaraang linggo.
Naitala naman ang 3. 5 milyon na fully vaccinated sa rehiyon at 753K ang nabigyan ng booster dose.
Nanawagan din ang ahensya sa mga eligible individuals na kunin na ang kanilang second booster dose lalo na ang mga immunocompromised. | ifmnews
Facebook Comments