8.5 milyong halaga ng family food packs, naka standby na as Region 2 na tatamaan ng bagyong Ramon

Naka standby na ang  8.5 million pesos na halaga ng family food packs para  sa mga apektadong lugar sa Region 2 na dadaanan ni bagyong Ramon.

 

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumalao, abot sa 20,194 family food packs ang nakahandang ipamahagi ng DSWD sa mga pamilya na ililikas sa mga evacuation centers.

 

Maliban pa ito sa mahigit 2 million pesos na standby fund para sa lalawigan ng Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya para sa relief operations.


 

Abot din sa mahigit siyam na milyong pisong halaga ng family food pack ang naka standby na rin sa Bicol Region na daraanan ng bagyo.

 

Mayroong 180 katao ang inilikas sa dalawang evacuation centers sa tatlong barangay sa Camarines Sur at Catanduanes.

 

Kabilang sa mga non-food items na ipapamahagi ng dswd ay mga tents, sleeping kits, family kits, hygiene kits,  kitchen kits,  malong,  laminated sacks at mga kumot.

Facebook Comments