8.5 para kay Pangulong Du30 – Cong. Gabby Bordado

8.5 ang markang ibibigay ni Congressman Gabby Bordado ng 3rd District ng Camarines Sur para kay President Duterte kaugnay ng kanyang performance sa nakalipas na isang taon bilang pangulo ng bansa. Ito ay kung sakaling siya ay tatanungin ng kanyang assessment sa performance ni Pangulong Duterte. Ipinahayag ito ni Bordado sa isang pagtitipon kung saan tinanong siya na kung sakaling hingian siya ng opinion, ano ang markang maibibigay niya kaugnay ng naging performance ng Duterte Administration.
Isang taon na si Duterte bilang Pangulo ng bansa nitong nakaraan July 1 at nakatakdang magbibigay ng kanyang 2nd SONA sa darating na July 24.
Idinagdag pa ni Bordado na kapansin-pansin ang patuloy na pagtaas ng performance and popularity rating ng pangulo. Nasa 82 percent na ito ayon sa pinakahuling survey. -edventura
Tags: Ed Ventura, DWNX 1611 Kuwarenta Y Sinco, Cong. Gabby Bordado, Du30 Rating, Duterte

Facebook Comments