Tricycle driver, patay sa pamamaril sa Caloocan City

Manila, Philippines – Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng mga hindi nakilalang lalaki sa Caloocan City.

Nakilala ang biktima na si Jaymar Rufos alyas Tata 32.

Sa initial na imbistigayon nakapila sa terminal ng tricycle ang biktima sa Katarungan St. Langit Road phase 5 Brgy. 176 Bagong Silang.


Paalis na sana sya matapos sumakay ang isang pasahero pero biglang sumulpot ang isang lalaki at pinag babaril ang biktima.

Nang masigurong patay na si alyas Tata, dumating ang isa pang lalaking naka-motorsiklo para sunduin ang gunman.

Tinanggi ng mga kaanak na sangkot ang biktima sa iligal na droga.

Samantala, nasa pagamutan naman ang pasahero ng nasabing tricycle na nadamay lang sa pamamaril.

Facebook Comments