8 Baranggay ng Buldon, drug-cleared na-PDEA ARMM

Drug cleared na ang walong barangay mula sa bayan ng Buldon, Maguindanao, itoy matapos maidagdag ngayong araw ang mga Baranggay ng Dinganen, Edcor, Ampuan, Uring, Nuyo at Aratuc.

Sinasabing dumaan sa matinding validation ng PDEA ARMM na pinangunahan mismo ni PDEA ARMM Director Juvenal Azurin kasama si Buldon Mayor Abolais Manalao at mga myembro ng steering committee .

Kaugnay nito pinasalamatan ni Director Azurin ang mga opisyal ng barangay na nagpakita ng pagsuporta sa kampanya ng pamahalaan na masugpo ang ipinagbabawal na gamut.


Umaasa naman si Mayor Manalao na tuluyang ma ideklarang Drug Cleared na ang buong bayan kasabay ng panawagan sa lahat ng kanyang mga kababayan ng pakikiisa kontra illegal drugs.

Sa kasalukuyan, pitong baranggay pa ang sumasailalim sa proseso ng PDEA ARMM , nauna ng naideklara ang Mga Brgy. ng Karim at Minabay habang higit isang daang baranggay na rin sa Maguindanao ang naideklarang Drug Cleared dagdag ni RD Azurin sa panayam ng DXMY.

Matatandaang noong mga nakaraang buwan idineklarang RIDO FREE na ang bayan, kauna unahan di lamang sa lalawigan ng Maguindanao kundi sa buong ARMM.

Facebook Comments