8 Bayan sa Region 2, Idineklara nang ASF-Free

Cauayan City, Isabela- Idineklarang African Swine Fever o ASF-Free ng Department of Agriculture (DA) Region 2 ang walong bayan sa rehiyon dos.

Kabilang dito ang tatlong coastal town ng Isabela na Divilican, Dinapigue, Maconaconhabang ang mga bayan naman ng Calayan, Rizal, Peñablanca at Sta. Praxedes sa Cagayan maging ang Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya.

Habang labing-anim (16) na bayan na kinabibilangan ng Benito Soliven, Burgos, Cordon, Echague, Mallig, San Agustin, San Manuel, San Mariano, Quezon, San Guillermo, at Luna sa Isabela; Solana, Cagayan; at Bagabag, Nueva Vizcaya; maging ang Aglipay, Cabarroguis at Diffun sa lalawigan ng Quirino ang ikinategorya na sa pink zone mula sa dating red zone na matinding naapektuhan ng sakit ng baboy.

Samantala, ayon naman kay Dr. Bryan Sibayan, DA Sinabi ng RFO 2 Livestock Program Coordinator, naglaan muli ng pondo ang ahensya para sa mga swine breeder multiplier farms upang matiyak ang patuloy na pinagmumulan ng mga biik kasabay ng pagpapalawak ng swine repopulation program, habang isa pa ang inilaan para sa biosecurity at surveillance program ng BAbay ASF.

Hinimok naman ni DA Region 2 Regional Executive Director Narciso Edillo ang lahat ng Farmers Cooperatives and Associations na makiisa sa swine repopulation at pakinabangan ang P5.5 million each grant.

Facebook Comments