8 BUSINESS STALL OWNERS SA CITY OF ILAGAN, INISYUHAN NG DTI ISABELA

Cauayan City, Isabela- Nag-isyu ng show cause orders ang Department of Trade and Industry (DTI) Isabela sa walong grocery stores sa City of Ilagan Public Market matapos magsagawa ng Comprehensive Monitoring sa presyo at suplay ng Basic Necessities and Prime Commodities.

Ayon sa DTI, hindi umano tumutupad sa tamang paglalagay ng price tag ang naturang bilang ng tindahan na mahigpit na paglabag sa batas sa ilalim ng Price Tag Law o RA 7394 (Consumer Act of the Philippines).

Nagbigay din ng labing-isang (11) letter of inquiry ang ahensya sa mga establisyimento na nagbebenta naman sa mas mataas na presyo kaysa sa Suggested Retail Prices (SRP).

Patuloy naman na nakikipagtulungan ang ahensya sa mga may-ari ng negosyo upang matiyak na nasusunod ang regulasyon sa tamang pagnenegosyo at makapagbigay ng isang ligtas, malusog, at consumer-friendly sa mga mamimili.

Facebook Comments