Walo ang patay 10 ang sugatan sa isinagawang operasyon kontra Daesh- Inspired ng military sa Liguasan Marsh Area partikular sa Sitio tatak, Basrangay Tugal, Sultan sa Barongis noong weekend.
Sinsabing pinagsanib na surgical air, artillery at ground operation ang inilunsad ng Joint Task Force Central kontra sa mga teroristang myembro sa ilalim ni Salahidin Hassan.
Nagresulta rin sa pagkawasak ng mga bunkers at foxholes ng mga terorista ang operasyon ng military.
Layuning ng operasyon ay para maisiguro ang kaligtasan ng mga sibilyan sa AOR ng 6th ID kontra sab anta ng mga terorista git pa ni 6th ID / JTFC Commander MGen Cirilito Sobejana
Naging matagumpay ang inilunsad na operasyon kontra Daesh IS Members dahil na rin sa tulong ng mga residente sa lugar at mga impormasyon mula sa mga sumukong BIFF Members
Kaugnay nito , 10 mga hardcore members ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers sa ilalim ng Kagui Karialan ang sumuko sa military noong weekend.
Pinangunahan ito ni Commander Gani Saligan kasama ang syam ng mga elemento nito. Bitbit nila ang kanilang mga armas kabilang ang isang Barret Sniper Rifle.
Sinasabing napagaod na sa pakikipaglaban sa gobyerno ang mga sumukong BIFF members bukod pa sa nagsawa na sa mga pangako ng organisasyon
8 patay, 10 wounded sa mga DAESH-IS Members sa Operasyon ng AFP
Facebook Comments