80 Chinese, timbog sa illegal online gambling at e-gaming hub

Pasig City – Arestado ang 80 Chinese national na nagtatrabaho sa illegal online gambling at e-gaming hub sa Pasig City.

Ayon kay National Bureau of Investigation Cybercrime Division Chief Atty. Vic Lorenzo, matagal nang nag-o-operate ang nasabing kumpaniya na nagpapanggap na lehitimong international telecommunication company.

Aniya, lehitimo naman ang pagpasok sa bansa ng mga naarestong dayuhan at nag-extend na lang ng kaniyang pananatili rito.


Pero may ilang aniyang hindi na nag-aapply ng extension ng kanilang pananatili sa Pilipinas para mawala sa radar ng gobyerno.

Dahil sa sobrang dami, ang piskal na ng Department of Justice (DOJ) ang nagpunta sa NBI para isailalim sa inquest proceeding ang mga nahuling dayuhan.

Pinag-aaralan na ng NBI ang mga narekober na computer at gadget mula sa mga suspek para matukoy ang iba pa nilang kasamahan.

Inaalam na rin ang lawak ng operasyon ng grupo dahil sa dami ng Chinese national na nasa bansa.

Facebook Comments