800 bags ng Abono, Ipinamahagi sa mga Magsasaka sa Probinsya ng Quirino

Cauayan City, Isabela- Nagsimula ng ipagkaloob ang mga libreng abono sa mga magsasaka sa bayan ng Maddela sa lalawigan ng Quirino na layong maiangat ang industriya ng palay sa buong Cagayan valley.

Ito ay bahagi ng ‘Rice Competitiveness Enhancement Fund’ (RCEF) program at fertilizer assistance ng pamahalaan.

Sa kanyang talumpati, inihayag ni Mayor Rimel C. Tolentino na kanyang ipagpapatuloy ang mga nasimulang programa ng yumaong alkalde may kaugnayan sa agrikultura.


Hinimok din ng alkalde ang mga magsasaka na bigyang pansin ang mga programa ng ng Department of Agriculture Regional Field Office No. 02 (DA RFO 02) gaya ng pamimigay ng mataas na kalidad ng inbred at hybrid seeds at pataba na isang malaking tulong para maibaba ang gastusin sa produksyon ng palay at tumaas ang kanilang ani.

Samantala, nagpasalamat si Ginoong Jovencio G. Salvador, Municipal Agriculturist sa Local Government Unit (LGU) Maddela para sa mga proyektong may kaugnayan sa agrikultura gay ana lamang ng naipatayong bodega na imbakan ng mga abono at pataba na naibigay ng DA.

Umabot sa 800 bags ng abono ang naipamahagi sa mga kwalipikadong magsasaka.

Batay sa datos ng MAO, may kabuuang 2,263 ektarya na tinatamnan ng palay kung saan 1,851 ang irrigated, 290 ang rainfed at 122 upland na may kabuuang 2506 na farmers mula sa 32 barangays ng naturang munisipyo.

Nasa 2,028 na RCEF beneficiaries na kinabibilangan ng 1,578 inbred farmers at 450 hybrid farmers, humigit kumulang na 1,300 ang kabuuang bilang na mga magsasaka ang nakapagsumite ng kanilang resibo.

Sa kabuuang 1,300 ay 800 na magsasaka na ang nabigyan ng pataba.

Facebook Comments