Saturday, October 3, 2026

800 KABATAAN MULA SA DALAWANG PAARALAN, NAKIBAHAGI SA PATULOY NA PAGDIRIWANG NG FAMILY DAY SALO-SALO SA DAGUPAN

Umabot sa 800 kabataan ang nakibahagi sa patuloy na pagdiriwang ng Family Day Salo-Salo Celebration sa Dagupan City na isinagawa sa West Central Elementary School I at East Central Integrated School sa lungsod.

Naghanda para sa mga bata ng kanin, ham, scrambled egg at fruit juice, kabilang ang Halal-certified chicken luncheon meat para sa mga batang muslim bilang bahagi ng salo-salo.

Nakiisa sa aktibidad ang City Nutrition Office, mga school principal at guro, mga magulang, PTA, barangay officials, konsehal, pulisya at mga volunteers.

Sa West Central Elementary School I, kasama ang School Principal na si Dr. Renato Santillan, habang sa East Central Integrated School naman ay pinangunahan ang pagtanggap sa mga bata ni School Principal Gary Desoloc.

Layunin ng aktibidad na mapasaya ang mga bata at maitaguyod ang kahalagahan ng pamilya, wastong nutrisyon at edukasyon.

Hinikayat naman ang mga mag-aaral na alagaan at mahalin ang kanilang pamilya at magsikap sa pag-aaral bilang kanilang regalo sa mga magulang. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments