Saturday, October 3, 2026

PAGTATANIM NG BAKAWAN O MANGROVE PROPAGULES, ISINAGAWA SA LA UNION BILANG PAGDIRIWANG SA CONSUMER WELFARE MONTH 2026

Sinimulan ng Department of Trade and Industry o DTI La Union ang pagdiriwang ng Consumer Welfare Month 2026 sa pamamagitan ng isang mangrove planting activity sa Bakawan Eco-Tourism Park sa Sitio Puraw Kadaratan, Barangay Parian Oeste, Bauang, La Union noong Oktubre 1.

Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng temang, “Safe Products, Confident Consumers: Raising Standards for Safer Products and Stronger Consumer Confidence.”

Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, pribadong sektor at mga community advocate.

Nagtanim ang mga kalahok ng mga bakawan o mangrove propagules bilang bahagi ng pagsusulong ng pangangalaga sa coastal ecosystem.

Ayon sa DTI, ang kapakanan ng mga mamimili ay hindi lamang nakatuon sa pagkakaroon ng ligtas na produkto. Kabilang din dito ang pangangalaga sa kalikasan na nagsisilbing pundasyon ng kabuhayan at ekonomiya ng mga komunidad.

Sa pamamagitan ng naturang aktibidad, binigyang-diin ng DTI La Union ang kahalagahan ng pagsasama ng consumer protection at environmental sustainability tungo sa mas ligtas at matatag na komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments