PROGRAMANG LOLA CARES SA DAGUPAN CITY, NAIS GAYAHIN AT IBAHAGI SA IBANG REHIYON NG NCSC

Nais i-duplicate at gayahin ng National Commission of Senior Citizens o NCSC ang proramang “Lola Cares” ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City sa iba pang rehiyon.

Ayon kay Atty. Ma. Merceditas Gutierrez, Commissioner ng NCSC, magandang inisyatibo ang nasabing programa na nais nilang gayahin upang isagawa sa ibang rehiyon.

Dagdag niya, sana ay mabigyan ng mga LGU ng pondo ang mga ganitong uri ng programa para sa mga nakatatanda na makapagbibigay ng tulong sa kanila.

Programa ng Dagupan City sa ilalim ni Mayor Belen Fernandez ang “Lola Cares” na may layuning tulungan ang mga lola na patuloy na nag-aalaga sa kanilang mga apo at nagsisilbing magulang ng mga ito.

Ayon kay Mayor Belen Fernandez, nagsimula ang proyekto nang masaksihan ng alkalde ang pangangailangan ng mga nakatatanda sa tulong habang nag-aaruga sa kanilang mga apo.

Samantala, tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng “Lola Cares” program sa lungsod na patuloy na naglalapit ng tulong at mga programa ng gobyerno sa mga nakatatanda. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments