8,000 loose firearms, narekober ng PNP

Nakasabat ang Philippine National Police (PNP) ng 8,000 loose firearms sa loob ng 3 buwan.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., ito ay sa pinaigting na kampanya ng Pambansang Pulisya laban sa ilegal na armas, upang mapigilan ang paggamit ng mga hindi rehistradong baril sa krimen.

Ayon kay Azurin, ang mga narekober at nakumpiskang baril ay nakuha sa mga checkpoint operation, anti-drug operation at iba pang law enforcement operations habang ang iba naman ay isinuko mula Hulyo hanggang Oktubre 8.


Bukod dito, halos 5,000 baril din ang bolunyaryong tinurn over sa PNP para sa safekeeping.

Samantala, nasa 2,471 indibidwal naman ang naaresto dahil sa paglabag ng Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments