Target ng Department of Agrarian Reform na makapamahagi ng 800,000 ektarya ng lupa sa mga magsasaka bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2028.
Sa ambush interview sa Malacañang, sinabi ni Sec. Conrado Estrella III na para sa taong ito ay nasa 100,000 ektarya ang ipamamahagi nilang titulo ng lupa kasabay ng pamamahagi ng certificates of condonation.
Mag-iikot aniya si Pangulong Marcos sa mga susunod na buwan para sa pamamahagi nito.
Kumpiyansa naman ang kalihim na kayang abutin ang target dahil mabilis na aniya ang proseso ng pagtukoy sa mga lupain ng gobyerno na pwedeng maipahagi sa mga benepisyaryo.
Ito aniya ang panghahawakan ng mga magsasakang may malaking pagkakautang sa matagal na panahon at magpapatunay na burado na ang kanilang mga utang.