80K UNDERNOURISHED NA MGA BATA SA ILOCOS REGION, BENEPISYARYO NG FEEDING PROGRAM NG DSWD

Aabot sa 80, 152 na mga undernourished na bata sa Ilocos Region ang benepisyaryo ng supplementary feeding program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay Ms. Ella Lazaro ang Project Development Officer 1 ng Suppelementary Feeding Program, nasa ikalabing dalawang cycle na ang programa kung saan nag serbisyuhan ang aabot sa 968, 914 na bata at nakapaglaan ng pondong aabot sa 1, 563, 045, 120.
Dahil sa devolution plan o Mandanas ruling nasa 98 mula sa 125 LGUs lamang ang mabibigyan ng pondo ng naturang programa.

Prayoridad 4th, 5th, 6th class municipalities at mga LGUs na mayroong mataas na kaso ng undernourished.
Ang bawat bata ay may nakalaan na 1, 800 na budget para sa kanilang mga masusustansyang pagkain.
Ngayong ika-12 cycle makakapagbigay na ang kagawaran ng prutas at probiotic drinks. | ifmnews
Facebook Comments