81-anyos lalaki, tinanggalan ng tumor na singlaki ng volleyball

Sumailalim sa pitong oras na operasyon si Wingart para maalis ang tumor na singlaki ng volleyball. (Courtesy of Mount Sinai Hospital)

Muntik nang mawalan ng pag-asa ang isang lalaki sa New Jersey na gumaling mula sa malaki at nakamamatay na tumor sa kanyang leeg.

Ilang doktor na ang tumangging operahan si Miltion Wingert, 81, na nagkaroon ng pleomorphic sarcoma, agresibong cancer tumor na lumobo na singlaki ng volleyball sa loob lamang ng anim na buwan.

Mount Sinai Hospital

Hanggang sa nakilala niya si Dr. Nazir Khan, head and neck surgeon sa isang ospital sa Manhattan.

Sumailalim si Wingert sa pitong oras na operasyon noong Nobyembre 5 para matanggal ang tinatayang 20 sentimetro at 3 kilo ng bukol.

Sinabi ni Khan sa Daily News na binalaan niya na ang pasyente na maaaring madali lang makukuha ang tumor o magiging komplikado ito kaya maghanda na sa puwedeng mangyari.

Una napansin ni Wingert ang bukol na singlaki pa lamang ng pingpong ball noong Mayo na inakala niyang simpleng impeksyon o allergy.

“It went to the size of an egg, to size of an orange, and then it was the size of a grapefruit. I was nervous because it was getting bigger and bigger and it was putting pressure on my thyroid,” aniya.

Ayon kay Khan, maaaring hindi na makahinga ang pasyente kung nagpatuloy pa ang paglaki ng bukol.

Ito rin aniya ang pinakamalaki sa mga naoperahan niyang tumor.

Sa araw ng operasyon, mayroon ding mga nakabantay na thoracic at vascular surgeons sakaling lumabas na mas komplikado ang tumor kaysa sa inaasahan.

Nagpapagaling na mula sa matagumpay na proseso si Wingert na kailangan ding sumailalim sa chemotherapy o radiation.

“I’m going to celebrate my 82nd birthday. It’s a miracle,” ani Wingert.

Mount Sinai Hospital
Facebook Comments