829 special permits para sa Eleksyon 2025, inaprubahan ng LTFRB

Aabot sa 829 na bus units ang binigyan ng special permit ng Land Transportation Franchising and Regulation Board (LTFRB) para sa Eleksyon 2025.

Ayon kay LTFRB Spokesperson Atty. Ariel Inton, ang special permit ay epektibo mula May 9 hanggang May 18, 2025.

Aniya, nag-inspeksyon ang LTFRB ng mga unit, at nagsagawa pa ng random drug test, habang may bus terminals na naisyuhan ng show cause order.

Nilinaw naman ni Inton, walang pinapayagan ang LTFRB na units na “exclusive” sa mga politiko.

Wala aniyang inisyu ang tanggapan na permit para magamit ng mga kandidato, gaya ng mga magbibiyahe ng mga botante sa eleksyon. At sa halip, para sa general public ang inisyu.

Facebook Comments