
Positibo sa heavy metal ang puslit na puting sibuyas mula sa China na nasabat sa Pampanga.
Ito ay batay sa resulta ng ginawang pagsusuri ng Plant Products Safety Services Division ng Bureau of Plant Industry at ng National Plant Quarantine Services Division sa mga nakumpiskang mga gulay.
Ang lason sa heavy metal ay nakakapagdulot ng cancer at nakakapinsala sa pangunahing organs sa katawan habang ang salmonella bacteria ay nagdudulot ng lason sa pagkain at iba’t ibang impeksiyon.
Dumating ang mga sibuyas sa Port of Subic noong Abril 20 sakay ng SITC Ho Chi Minh.
Ang isang nasakoteng container ay mayroong 1,800 ng pulang mesh bags ng puting sibuyas, habang ang isa pa ay naglalaman ng 1,600 bags, bawat isa ay tumitimbang ng 9 kilos na may kabuuang tinatayang 34,200 kilos.
Pinapurihan naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel ang CIDG dahil sa kanilang mabilis na pagkakasabat sa kargamento.