
Umabot sa 83 senior citizens ang nabigyan ng libreng operasyon sa mata bilang bahagi ng pagdiriwang ng Elderly Filipino Week, sa ilalim ng programang Project Linaw Mata ng pamahalaang lokal ng Dagupan.
Layunin ng programa na matulungan ang mga nakatatanda na magkaroon ng mas malinaw na paningin at mapabuti ang kanilang kalidad ng buhay sa pamamagitan ng libreng serbisyong pangkalusugan para sa kanilang mga mata.
Isinagawa ang mga operasyon sa Tzu Chi Eye Center sa Sta. Mesa, Manila, kabilang ang cataract at pterygium surgeries, aspiration and irrigation, at pars plana vitrectomy.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamahalaang lokal sa Tzu Chi Eye Center, gayundin sa mga Tzu Chi nurses at volunteers sa patuloy na pagbibigay ng pangangalaga at suporta sa mga senior citizen.
Sa pamamagitan ng Project Linaw Mata, nabigyan ng pagkakataon ang mga benepisyaryong lolo at lola na muling magkaroon ng mas malinaw na pananaw at mas maayos na kalidad ng pamumuhay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
