DAGUPAN,PINAIIGTING ANG MENTAL HEALTH AWARENESS

Pinalalakas ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City ang kampanya para sa mental health awareness ngayong Oktubre sa pamamagitan ng programang inilalapit sa mga kabahayan.

Inilapit ang programa sa Barangay Poblacion Oeste.

Bahagi ng programa ang pamamahagi at paglalagay ng SafeNet Helpline Stickers upang matulungan ang mga pamilya na makilala ang mga senyales na maaaring kailangan ng isang indibidwal ng suporta, gayundin ang pagbibigay ng direktang access sa mga taong maaaring lapitan para sa tulong at serbisyo.

Layunin nitong ipabatid sa mga residente na hindi kailangang sarilinin ang mga suliranin at may mga taong handang makinig at tumulong.

Katuwang sa pagpapatupad ng programa ang Poblacion Oeste Barangay Council, mga kinatawan ng Women Center, City Population and Development Office, VAWC Desk, at Teen Center.

Kasama rin sa programa ang mga psychometrician na sina Michelle Capito, Mary Yalung, Alliah Solis, Marco Ibasan at Gino Cervantes.

Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, nais higit na mailapit sa mga pamilya ang impormasyon at serbisyong makatutulong sa kanilang mental health. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments