COOPERATIVE MONTH SA ALAMINOS, SINIMULAN SA KA-COOP WELLNESS PROGRAM

Masiglang sinimulan ng pamahalaang lungsod ng Alaminos ang pagdiriwang ng Cooperative Month ngayong Oktubre sa pamamagitan ng KA-COOP Wellness Program.

Isinagawa ang iba’t ibang aktibidad sa Plaza Enrique Braganza, kabilang ang Mini Trade Fair, libreng pedicure at manicure, Mini Fiesta Food Bazaar, Bread and Pastry Demonstration o baking, at mga fun games.

Layunin ng programa na maghatid ng saya, dagdag na kaalaman, at wellness sa mga kalahok bilang bahagi ng pagdiriwang ng Cooperative Month.

Inorganisa ang aktibidad ng City Cooperative Office bilang bahagi ng mga programang isinasagawa tuwing buwan ng Oktubre upang kilalanin at palakasin ang sektor ng mga kooperatiba. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments