84 na pulis, kabilang na ang dalawang opisyal – naka-ambang sibakin sa pwesto

Manila, Philippines – Dalawang police officials na may ranggong police superintendent ang sisibakin sa serbisyo ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa.

Sa isinagawang press conference sa Camp Crame – sinabi ni Dela Rosa na kasama ang dalawang police officials sa walumput apat na pulis na nakatakdang sibakin dahil sa ibat ibang kaso na karamihan ay may kinalaman sa iligal na droga.

Batay sa naging rekomendasyon ng pnp internal affairs service, sibak sa pwesto si Supt Ma. Christina Nobleza na may mga kasong illegal possession of firearms, harboring a criminal at conspiracy to commit terrorism.


Ito matapos na mapagalamang ni-rescue nito ang isang miyembro ng asg matapos sumalakay sa Bohol kamakailan

Kabilang din si Supt. Lito Cabamongan na may kasong may kinalaman sa iligal na droga matapos na maaktuhang nagpa-pot session.

Facebook Comments