Bakasyonista – arestado matapos mahulihan ng baril sa Caticlan Jetty Port Malay, Aklan

82

Aklan – Arestado ang isang bakasyonista matapos na mahulihan ng baril sa Caticlan Jetty Port Malay, Aklan kahapon.

Ang suspek ay nakilala kay Sergio Rodriguez, 50-anyos ng Brgy. Indag-an, Miag-ao, Iloilo.

Nalaman na may dalang baril si Rodriguez matapos na dumaan sa X-ray machine ang bag nito at nakita ng operator.


Matapos na kunin nya ang bag ay agad na sinita ito ng mga gwardya at pulis na nakaduty sa lugar, pinabuksan ang bag at nakita ang 22 caliver revolver na loaded ng 5 bala at meron pang 8 na reserba.

Agad na dinala sa Malay PNP ang suspek dahil wala itong maipakita nga dokumento para sa legalidad ngf kanyang baril at mga bala.

Mahaharap sa kasong paglabag sa illegal possession of fiream and ammunitions si Rodriguez.



Facebook Comments