Isang lalaki, patay matapos masagsaan ng bus sa Edsa

Manila, Philippines – Inaalam na ngayon ng pulisya ang pagkakakilanlan ng isang lalaki na nasawi matapos na masagasaan ng pampasaherong bus sa Edsa.
Tinatayang nasa 40 taong gulang ang biktima na nakasuot ng striped na polo shirt, gray jogging pants at pink na tsinelas.
Papatawid ang biktima nang mabangga ng hi-star bus na may plakang ABH-1253 na biyaheng Baclaran-Novaliches.
Agad naman tumakas ang driver at konduktor ng bus kung saan plano naman alamin ng pulisya sa operator ang mga pangalan ng mga ito.

Facebook Comments