Dumalo si Senator Christopher “Bong” Go sa virtual launch ng ika-84th na Malasakit Center, araw ng biyernes, September 25, sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital sa Iba, Zambales.
Ang naturang pagamutan ay isa ring COVID-19-designated hospital kung saan may mga naka-confined na suspected COVID-19 cases. Ito rin ang kauna-unahang Malasakit Center sa Zambales, pang siyam sa Region 3 at pang-44th sa Luzon.
Layun ni Go sa proyektong ito na mapagaan at mapabilis ang proseso para sa medical at financial assistance mula sa gobyerno para sa mga Filipino sa pamamagitan ng one-stop shops.
“Mahirap magkasakit, ito ang mga panahon na litong lito ang mga kababayan natin at hindi nila alam saan sila hihingi ng tulong,” dagdag ng senador.
Sa halip kasi na magpunta pa sa ibat-ibang tanggapan ng gobyerno ay dito na lamang nag-susulat ng unified form ang pasyente o kanilang kinatawan para makahingi ng tulong.
Kabilang sa mga ahensiyang nagbibigay ng medical and financial assistance sa loob ng Malasakit centers ay ang Department of Social Welfare and Development, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office.
“84th na Malasakit Center na po itong sa inyo sa Zambales at tuloy-tuloy po ito dahil batas na po ito ngayon,” Saad ni Go.
“Sa batas na ito, magkakaroon po ng Malasakit Centers sa lahat ng 73 DOH-run hospitals at ‘yung mga local government hospitals na gustong magkaroon ng Malasakit Center, they have to follow a criteria na nakalaan sa batas katulad po ng inyo. Sumunod kayo sa criteria kaya meron na kayong Malasakit Center dyan sa Iba, Zambales,” dagdag ng senador.
Salig sa Republic Act No. 11463 o mas kilala sa tawag na Malasakit Centers Act of 2019, lahat ng Ospital na pinatatakbo ng gobyerno, DOH at ang Philippine General Hospital ay may mandato na magtatag ng sarili nilang Malasakit Centers.
Sa Kabilang dako, ang mga pagamutan naman na pinangangasiwaan ng local government units at iba pang public hospitals ay maari din magtayo ng Malasakit Centers basta’t makakatalima sa standard set ng criteria and guarantee para sa availability of funds para sa operasyon nito, Kabilang na ang maintenance, personnel at staff training, at marami pang iba.
“Sa mga pasyente po sa Zambales, iparating nyo lang sa mga kapitbahay nyo na meron na kayong Malasakit Center. Para po ito sa mga poor and indigent patients. Wala pong pulitika dito, wala pong pinipili dito,” paalala ni Go sa mga residente.
Samantala, sa kanyang live video message, nakiusap si Go sa mga tapat na PhilHealth employees na ipagpatuloy ang trabaho para sa ikanubuti ng bansa, tumulong para labanan ang korapsiyon, at maghatid ng magandang serbisyo publiko.
“Mga taga-PhilHealth, ‘wag po kayo mawalan ng pag-asa. Alam ko pong mas marami pang matitinong empleyado ng PhilHealth na gustong maglingkod ng buong katapatan,” wika ni Go.
“Tulungan lang po natin ang ating mga kababayan na maibalik po ang pera nila. Alam nyo, nakakalungkot po sa nakaraang linggo ay naging pulutan po ang PhilHealth sa mga pahayagan at sa mga news,” dagdag pa nito.
Aniya, sisuguraduhin niya na mananagot sa batas ang mga sangkot sa anomalya.
“Ang atin naman dito ay malaman natin ang katotohanan, managot ang dapat managot, makasuhan, masuspinde, ma-dismiss at makulong, ma-audit at ma-lifestyle check ang mga may kagagawan nito. Ilan lang naman po yan,” Sabi ni Go.
“Ang di po katanggap-tanggap dito dahil pinagpawisan ‘yan ng ating mga kababayan, lalo na ang mga OFWs na nagbibigay ng remittance nila para makapag enrol sa PhilHealth ay inaasahan nilang maibabalik sa kanila ang serbisyo at ang pisong ibinayad nila ay maibabalik sa kanila,” Saad pa nito.
Gagawin aniya at ng Pangulo ang lahat para matigil na ang katiwalian sa pamahalaan. Iginiit din nito na kailangan ang suporta ng mamamayan para palaganapin ang kampanya upang linisin ang gobyerno at maipagkaloob ang maayos na serbisyo sa taumbayan.
“Sana po walang masayang na pera at kami po ni Pangulong Duterte ay patuloy naming gagawin ang lahat para malinis po itong PhilHealth… Tulungan nyo lang po kami. Magtulungan po tayo dahil di po namin kayang gawin ‘yan kung kami lang po dito sa taas ang gagawa,” Pagkatapos nito.