Bahagi ang aktibidad ng Balik Sigla sa Ilog at Lawa (BASIL) project, isang programa na tututok sa mga major rivers and lakes sa buong bansa.
Ikinokonsidera na ang janitor fish ay isang serious threat sa mga river and lake’s biodiversity ng ilog at lawa habang nakikipagkumpitensya sila sa iba pang mga uri ng isda para sa pagkain, nambibiktima ng mas maliliit na isda, at kumakain ng mga itlog habang mas mabilis ang pagpaparami kaysa sa iba pang species.
Sa layong mapuksa at makontrol ang pagdami ng mga invasive species tulad ng janitor fish sa mga freshwater areas sa rehiyon, binibili ng DA-BFAR ang mga nakukuhang janitor fish sa halagang Php 20/kilogram mula sa mga mangingisda.
Patuloy naman ang pagtitiyak ng tanggapan upang mapigilan ang problemang dulot ng janitor fish.