*Cauayan City, Isabela*- Umabot sa kabuuang 85 mga baboy ang isinailalim sa culling kabilang ang 64 na inahing baboy sa tatlong piggery sa Brgy. Malasin, Aurora Isabela.
Ayon kay Municipal Agriculturist Protacio Alejandro, ito ay bilang bahagi ng preventive measure ng Provincial Veterinary Office matapos magkamatay ang ilan pang baboy na pinaniniwalaang may sakit na African Swine Fever sa nasabing mga bakuran.
Sinabi pa nito na kumuha na sila ng blood sample ng mga alagang baboy sa lugar para sa ilalim sa pagsusuri ng Bureau of Animal Industry.
Kaugnay nito, magkakaloob naman ng limang libong piso (P5,000) bawat malalaking baboy na ibinaon habang 500 piso para sa biik kasama sa culling kapalit din isa pang biik na magmumula sa Provincial Government.
Sa ngayon ay hihintayin na lamang ang kumpirmasyon sa Department of Agriculture Region 2 kung ano ang resulta ng blood sample ng mga alagang baboy.