Umaabot na sa 85% ng AstraZeneca vaccines na malapit nang ma-expire ang naiturok na sa mga benepisyaryo.
Sa presscon sa Malakanyang, sinabi ni National Task Force (NTF) Deputy Chief Implementer & Testing Czar Sec. Vince Dizon na lahat ng AstraZeneca vaccines na nakatakdang ma-expire sa June 30 ay naiturok na bilang 1st dose sa priorirty groups.
Habang sa susunod na linggo ay inaasahang maituturok na ang lahat ng AstraZeneca vaccines.
Una nang sinabi ng national vaccination operations center na walang dapat ipag-alala dahil walang masasayang na bakuna sapagkat kalkulado ng NTF ang vaccine deployment.
Facebook Comments