Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 86 volcanic earthquake sa paligid ng Bulkang Taal sa nakalipas na 24-oras
Ayon sa PHIVOLCS, bukod sa pagyanig naitala rin ang pagbuga ng mahinang usok sa bunganga ng bulkan.
Nakataas sa Alert Level 2 ang paligid ng Bulkang Taal at patuloy na nagbabanta sa pagputok ang bulkan, volcanic earthquakes, minor ashfall at volcanic gas.
Patuloy namang ipinagbabawal ang pagpasok sa paligid ng bulkan lalo na sa Permanent Danger Zone (PDZ).
Kaugnay nito nagbabala rin ang Phivolcs sa Civil aviation authorities na abisuhan ang kanilang mga piloto na iwasan magpalipad ng eroplano malapit sa bunganga ng bulkan.
Ang Bulkang Taal ay itinuturing na aktibong bulkan dahil sa mga nakalipas na pag-aalburoto nito.