1Sambayan, nakikipag-ugnayan na kay VP Leni Robredo para sa 2022 election

Nakikipag-ugnayan na ang opposition coalition na 1Sambayan kay Vice President Leni Robredo matapos ang ginanap na pagpupulong nito kina Senator Pandilo Lacson at Senator Vicente Sotto III para sa 2022 National Elections.

Ayon kay 1Sambayan Convenor Father Albert Alejo, nais nilang humarap si Robredo sa 20 miyembro pa ng Convenors Group at dito pag-uusapan ang mga posibleng kasunduan.

Posible namang ngayong linggo o sa susunod mapagbibigyan ang pag-uusap.


Una nang kinumpirma ng kampo ni Robredo ang pakikipag-usap nito kay Senador Richard Gordon na umano’y tatakbo rin sa 2022 National Elections.

Bagama’t umaming bukas dito, inamin ni Robredo na wala pa siyang pasya kung tutuloy sa presidential elections sa susunod na taon.

Facebook Comments