Patuloy ang clearing operation ng 86th IB sa magkasunod na bakbakan ng tropa ng pamahalaan at ng New Peoples Army kahapon.
Ayon kay Lt.Col. Ali Alejo sa inilabas na pahayag ng 86thIB, hindi titigil ang kasundaluhan hanggat hindi nalilipol ang puwersa ng NPA sa kanyang nasasakupan.
Dakong alas dos ng hapon kahapon ng unang nakasagupa ng puwersa ng 205th Manuever Compay ang hindi pa humigit kumulang 30 NPA habang nagsasagawa sila ng pagpapatrolya sa Brgy Burgos, San Guillermo, Isabela. Nasawi sa nasabing sagupaan si Patrolman Henry Gayaman habang sugatan sina P/Cpl Edieboy Tumaliuan, Patrolman Stephen Olosan, at Patrolman Alfred Taliano na kapwa miyembro ng Platoon 2O5th Maneuver Company.
Sa manhunt operation ang 86th IB, naabutan ang patakas na grupo ng NPA sa Brgy. San Mariano Norte, San Guillermo at dito muling nagkaroon ng bakbakan dakong alas 4 kahapon din. Walang naitalang sugatan o casualties sa hanay ng militar. Inaalam pa kung may namatay o nasugatan sa panig ng NPA.
Nakipagsanib puwersa narin ang Tactical Operations Group 2 ng Philippine Air Force para sa pagtugis sa mga NPA.
Attachments area