86th Infantry Highlander Battalion, Patuloy ang Pagtulong sa mga Biktima ng Bagyong Rosita!

Cauayan City, Isabela – Patuloy ang pagbigay ng tulong at suporta ng 86th Infantry Highlander Battalion Philippine Army sa kanilang mga erya ng operasyon sa nasalanta ng bagyong rosita.

Ito ang ibinahaging impormasyon ng grupo ng 86th IB sa programang Sentro Serbisyo ng RMN Cauayan.

Ang pagtulong ay sa pamamagitan umano ng pagkumpuni ng mga kasundaluhan sa mga nasira ng bagyo sa Brgy. Dicamay Uno at Dicamay Dos sa Jones at sa Brgy. San Miguel, Echague Isabela.


Kaugnay nito, sa darating na Novermber 19, 2018 ay katuwang ng tropa ng 86th IB ang mga opisyal ng barangay Rio Norte sa pamimigay ng relief goods sa mga residente ng Brgy. San Miguel, Echague, Isabela.

Habang katuwang din ng tropa ng 86th IB ang mga opisyal ng Philippine Crop Insurance Company at mga barangay officials ang pamamahagi ng seedlings sa Brgy. Dicamay Uno at Dos sa bayan ng Jones Isabela.

Facebook Comments