89 katao na COVID-19 Positive, Naka-Home Quarantine; 8 Bayan, Isinailalim sa Mass Testing

Cauayan City, Isabela- Hindi sapat ang 10-araw na pagsasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ng Tuguegarao City, ayon kay Cagayan Governor Manuel Mamba.

Ito ang inihayag ni Mamba sa kabila ng dumaraming kaso ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa naturang lungsod.

Ayon sa Gobernador, isa pang problema ang nasa 89 na asymptomatic COVID-19 positive patient na isinasailalim sa home quarantine imbes na ilagay sa mga isolation facility para maiwasan ang hawaan.


Pero ayon kay Mamba, ang paraan ng LGU ay ang paghihintay na matapos ang mga naunang nakapasailalim sa isolation bago pa man idala ang mga naka-home quarantine.

Samantala, umarangkada na ang Mass Testing sa walong (8) bayan ng probinsya na kinabibilangan ng Solana, Baggao, Amulung, Alcala, Enrile, Iguig, Peñablanca at Tuguegarao City na target na masuri ang nasa kabuuang 3,500 na mga residente nito.

Kaugnay nito, sakaling tumaas pa ang mga kaso sa Tuguegarao City ay asahan na ang pagpapalawig pa sa loob ng limang (5) araw upang makagawa pa ng dagdag na hakbang at maiwasan ang lalo pang pagkalat ng sakit.

Facebook Comments