Cabatuan, Isabela- Nakatakda na umanong ideklara bilang drug cleared ang siyam na barangay sa Cabatuan, Isabela.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni Police Senior Inspector Orlando Marayag ng PNP Cabatuan sa naging ugnayan ng RMN Cauayan sa programang Sentro Serbisyo kahapon Mayo bente syete taong ito.
Aniya, sa kabuuang bilang na dalawamput dalawang barangay ng Cabatuan ay siyam mula rito ang nakatakdang maidedeklara bilang drug cleared at kabilang ang Brgy. Culing East, Canan, Luzon, Rang-ay, Nueva Era, Diamantina, Tandul, Macalaoat at Paraiso.
Samantala, mula sa 242 na kabuuang bilang ng mga drug Identified na sumuko ay nasa 120 na umano ang nagtapos na spiritual enhancement habang nasa 57 naman sa mga ito ang sumailalim sa programa ng TESDA gaya ng Automotive Servicing at Driving with troubleshooting sa ilalim ng Community Based Rehabilitation Program (CBRP).
Dagdag pa ni PSI Marayag, patuloy parin umano ang ginagawang pagtutok ng kapulisan sa bawat barangay sa kanilang nasasakupan para makatiyak na hindi na bumalik ang mga ito sa dati nilang Gawain.
Masaya namang ibinahagi ni PSI Marayang na ang kanilang bayan umano ay maituturing din na mapayapa sapagkat sa bawat pagpapatrolya ng kanilang himpilan ay wala umano silang mga nakikitang lumalabag sa batas na ipinapatupad sa kanilang bayan.