9 indibidwal nasawi matapos madaganan ng gumuhong gusali ang isang bus sa South Korea

151

Aabot sa 9 na katao ang nasawi habang walo ang sugatan matapos madaganan ng gumuhong gusali ang isang bus sa Gwangju, South Korea.

Ayon sa mga otoridad, huminto ang bus na may kargang 17 na pasahero sa lugar kung saan ginigiba ang gusali.


Nakalikas naman kaagad ang mga manggagawa sa demolition site.

Sa ngayon, pinaghahanap na ng mga otoridad ang iba pang posibleng nadaganan ng gusali.

Facebook Comments