Cauayan City, Isabela- Inaresto ng pulisya ang 9 katao dahil sa iligal na pagsusugal sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng batas sa pagsasailalim sa General Community Quarantine dahil sa banta ng COVID-19.
Kinilala ang mga suspek na sina Visitacion Garcia, 59-anyos; Remelda Macarilay, 42-anyos at Trinidad Benitez, 31-anyos at kapwa mga residente ng Brgy. Gomez, San Isidro, Isabela.
Hinuli ang mga suspek matapos makatanggap ng impormasyon ang pulisya mula sa isang concerned citizen na may kasalukuyang mga residente ang naglalaro ng sugal partikular ang larong ‘TONG-ITS’.
Nakumpiska sa mga ito ang per ana halagang P310 at baraha na gamit sa iligal na sugal.
Samantala, dinakip din ang iba pa na kinilalang sina Rosalina Valdez, 32-anyos, residente ng Brgy. San Manuel, SAP Beneficiary; Marvin Magaddatu, 16-anyos, Harlem Modales, nasa tamang edad; Gerald Gorobat, 19-anyos, binata at kapwa mga residente ng Brgy. Quirino, Naguilian, Isabela.
Inaresto din si Leomer Nebres, 21-anyos at kanyang live-in partner na kapwa residente ng Brgy. San Manuel, Naguilian, Isabela at isa pa na nagngangalang ‘John’.
Nakumpiska sa mga suspek ang per ana nagkakahalaga ng P470 at mga paraphernalia na ginamit sa iligal na pagsusugal.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 at Social Distancing sa ilalim ng GCQ Guidelines.