9 na gwardiya ng Bureau of Immigration, sinibak sa serbisyo kasunod ng jailbreak

Manila, Philippines- Sinibak sa serbisyo ang siyam na gwardiya ng Bureau of Immigration na nakatalaga sa detention center sa Bicutan, Taguig matapos na makatakas ang dalawang South Korean fugitives noong Lunes.

 

Kaugnay nito, binigyan sila ng 72 oras para magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat maharap sa administrative at criminal charges.

 

Bumuo na ng fact-finding investigation team ang BI na pangungunahan ni Atty. Henry Tubban para imbestigahan ang jailbreak.

 

Nagkasa na rin ng massive manhunt ang PNP laban sa mga puganteng sina Park Wang Yeol at Jung Jae Yul na sinasabing pwersahang binuksan ang kisame ng kanilang selda para makatakas.

 

Inalerto na rin ng BI ang kanilang Immigration officers sa lahat ng international airports at seaports sakaling magtangka ang mga ito na lumabas ng bansa. 

Facebook Comments