Bagitong pulis na bumugbog at pumatay sa isang senior citizen sa QC, tinutugis na

68

Manila, Philippines-Tinutugis na ng mga otoridad ang isang bagitong pulis na suspek sa pambubugbog at pamamaril sa isang senior citizen sa Quezon City.

 

Ayon sa otoridad, isang menor de edad ang lumutang sa kanilang tanggapan at itinuro si PO1 Gerald Paguinto na siyang nambugbog sa biktimang si Julito Ramos, 68-anyos.

 

Kwento ng saksi, naganap ang insidente sa kanto ng Mindanao at Quirino Avenue saka isinakay si Ramos sa motorsiklo ng suspek at umalis patungo sa direksyon ng Balintawak.

 

Makalipas ang isang oras, narekober ang bangkay ng biktima sa A. Bonifacio Avenue na nakaposas ang mga kamay at may tama ng bala ng baril sa leeg at ulo.

 

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa krimen.

Facebook Comments