Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Nurse Arlene Martinez, ang Provincial Epidemiology Surveillance Unit Coordinator, nadagdagan pa ang bilang ng tinamaan ng dengue sa City of Ilagan na mayroong 174; Gamu (108), Cauayan City (107), San Mateo (106) at Tumauini (97).
Paliwanag ni Nurse Martinez, may clustering na ng mga kaso ng Dengue mula sa labing-siyam (19) na bayan sa Isabela kabilang ang Alicia, Benito Soliven, Cabatuan, Delfin Albano, Gamu, Quezon, Quirino, Roxas, San Agustin, San Manuel, San Mateo, Tumauini, Cauayan City, City of Ilagan, Jones, San Mariano, at San Pablo.
Paliwanag nito, ang pagkakaroon ng clustering sa mga nabanggit na lugar ay ang pagkakaroon ng dalawa o higit pang kaso ng dengue na naitala sa iisang barangay.
Tiniyak naman ang patuloy na pagbabantay sa mga nabanggit na lugar upang magkaroon ng karagdagang hakbang para maiwasan ang dumaraming kaso ng dengue.
Buwan ng Mayo, nang maitala ang malaking bilang ng mga tinamaan ng dengue.
Kaugnay nito, apat na ang naitalang nasawi sa dengue kabilang ang isang siyam (9) na taong gulang na bata.
Patuloy naman ang panawagan sa publiko na iwasan ang pag-iimbak ng tubig na maaaring pamugaran ng lamok.