BILLBOARD NA IBABANDERA SA MIAMI, FLORIDA, IBINIDA NG PINAY NURSE

8
Cauayan City, Isabela- Ipinagmalaki ng isang Pinay nurse sa New York City ang nakatakdang paglulunsad sa kanyang mismong billboard sa Miami, Florida.

Sa eksklusibong panayam kay Marilou Bernadette Skeete, nurse at freelance model sa isang Magazine at fashion runway sa Hollywood, ibabandera na ngayong Linggo ang kanyang ikalawang Billboard sa New Miami, Florida saan tanging siya lamang ang nakasama sa Supermodels Unlimited (SU).

Ayon kay Skeete, hindi naging hadlang ang kanyang height at hugis ng katawan sa pag-abot ng kanyang pangarap na maging isang mahusay na model.

Ibinahagi nito na nakaranas din siya ng mga rejections sa mga auditions subalit hindi siya sumuko bagkus ay ipinagpatuloy pa rin sa tulong ng kanyang mismong asawa.

Kailangan din aniya rito ang determinasyon at tiyaga upang makamit ang pangarap.

Matatandaang nailathala si Skeete sa iba’t-ibang fashion magazine sa Hollywood tulad ng Hi Life Magazine, Over magazine at LUXIA ng Milan.



Sa ngayon, tuloy tuloy ang kanyang modeling projects sa US tulad ng mga pictorials at fashion shows.

Samantala, sinabi ni Skeete na sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas ay ipagpapatuloy nito ang nasimulan sa modeling sa pamamagitan ng fashion runway training para maibahagi sa mga kapwa Pilipino ang kanyang mga natutunan.


Facebook Comments