Target ng national government na mabigyan ng kumpletong bakuna laban sa COVID-19 ang 90 milyong Pilipino sa buong bansa.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., sa nasabing bilang 28 hanggang 30 milyong katao ang babakunahan pa ng primary series.
Sa ngayon, mahigit 52 milyong pilipino na ang fully vaccinated.
May 100 milyong doses pa ng bakuna sa bansa ang hindi pa nagagamit.
Pero ayon kay Galvez, kailangan pang bumili ng gobyerno ng 70 million doses para sa booster vaccination at 26 million doses para sa mga batang edad 5 hanggang 11.
Aminado naman si Galvez na maaaring maapektuhan ng panibagong COVID-19 surge ang vaccination efforts ng pamahalaan.
Facebook Comments