90% porsyento ng mga benepisaryo ng pantawid pamilya ang hindi pa rin nakakaahon sa matinding kahirapan o nanatili sa below poverty line.
ito’y kahit pitong taon nang kabilang ang mga ito sa naturang programa.
Sa inilabas na ulat ng Commission on Audit (COA), aabot sa ₱3.8-M ang sakop ng 4Ps sa loob ng pitong hanggang labintatlong taon.
Lumilitaw rin na mahigit ₱537-B ang nailabas na cash grants ng gobyerno hanggang noong June 30,2021.
Lumitaw sa Senate budget hearing ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kailangang i-review ang 4Ps law.
Ang seven-year limit kasi na itinatadhana ng batas ay posibleng makapagpatanggal ng maraming benepisaryo pagsapit ng 2026.
Facebook Comments