90 tauhan ng MIAA, ipapakalat sa NAIA terminals

Manila, Philippines – Siyamnapung (90) tauhan ng Manila International Airport Authority ang ipapakalat sa immigration areas sa NAIA terminals.

Ito ang tiniyak ni MIAA General Manager Ed Monreal sa harap ng mass leave ng Immigration officers bilang protesta sa hindi pagbabayad sa kanilang overtime.

Nilinaw naman ni Monreal na limitado lamang sa pagsasaayos ng pila ng mga pasahero ang maitutulong ng kanilang augmentation force.


Nangangahulugan ito na ang Immigration officers pa rin ang magtatatak sa passport ng mga pasahero.

Bukod sa mass leave, ilang Immigration officers na rin sa NAIA ang naghahain ng terminal leave o tuluyang pagre-resign.
Nation”

Facebook Comments