Pelikulang “Bliss” ni Iza Calsado – binigyan na ng R-18 ng MTRCB

57

Manila, Philippines – Sa wakas! Maipapalabas na sa mga sinehan ang psychological thriller movie na “Bliss” na pinagbibidahan ng aktres na si Iza Calzado.

Ito ay makaraang pakinggan ng MTRCB ang apela ng direktor na si Jerrold Tarog na palitan ng R-18 ang pelikula mula sa x-rated.

Ayon sa manager ni Iza na si Noel Ferre, apat na bagong mga papel ang muling sumuri sa pelikula at nagdesisyong bigyan ito ng R-18 rating at ipalabas nang walang cut.

Una rito, sa isinagawang press conference ng pelikula, kinuwestiyon ni Iza kung bakit binigyan ng x-rated ang kanyang horror movie habang pinayagang ipalabas sa bansa ang “Fifty Shades of Grey.”

Nito lamang March nang ilunsad ang premier ng “Bliss’’ sa 2017 Osaka Asian Film Festival kung saan in-awardan ang aktres ng Yakushi Pearl Award.
Nation”

Facebook Comments