900 bagong kaso ng COVID-19, posibleng maitala ngayong araw ng Pasko – OCTA

Nasa 900 bagong kaso ng COVID-19 ang inaasahang maitatala sa buong bansa ngayong araw ng Pasko.

Batay ito sa projections ng independent monitoring group na OCTA Research, matapos na makapagtala ng 834 na bagong kaso kahapon.

Sa kabila, nito, bumaba pa sa 16,489 ang active cases.


Samantala, ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, nasa 10.4% ang nationwide positivity rate o ang porsiyento ng mga nagpopositibo sa virus mula sa kabuuang bilang ng mga sumalang sa COVID-19 tests.

Sa nakalipas na dalawang linggo, ang National Capital Region pa rin ang nakapagtala ng pinakamataas na bagong kaso ng sakit na nasa 5,003.

Sinundan ng Calabarzon na may 2,208; Central Luzon, 1,093; Western Visayas, 595 at Cagayan Valley, 488.

Facebook Comments